Kishore Kumar Hits

Shalom Singers - Pagbabahagi текст песни

Исполнитель: Shalom Singers

альбом: Isang Dakot Ng Kanyang Himala


Di ko na ngayon pinanghinayangan
Ang nagdaang madilim kong kahapon
Ganap ko nang naunawaan
Kung kakit ako ay nagkaganoon
Pagkat nilimot ko ang Panginoon
Pinag-alis sa matayog na ambisyon
Nagtiwala sa sariling kakayahan
Hanggang sa malublob sa kasamaan
At akin nang hinarap ang bunga ng lahat
Pambansang piitan ang kinahantungan
Hirap ng katawan, hirap ng isipan
Araw man o gabi, walang katahimikan
Ngunit ang Diyos ay 'di natulog kailanman
Pagbabalik loob ko'y hinihintay
At bukas ang palad niyang ibinigay
Bugtong na anak na aki'y umakay
Salita niya ang aking naging gabay
Umagos sa takbo ng aking buhay
Tinanim sa puso at pinamuhay
At ang kapayapaan niya'y tinaglay
At aking ngang natamo ang bagong buhay ko
Na akin naman ngayong binabahagi sa inyo
Buhay mapayapa, may sapat na biyaya
Sa masasamang gawa ako ay lumaya
At sa buhay ko'y may bagong musika
Ibahagi Siya ang aking adhika
Sa awit ko'y iaangat ko Siya
Di mahihiya o mangangamba
Sa buhay ko'y may bagong musika
Ibahagi Siya, ang aking adhika
Sa awit ko'y iaangat ko Siya
Di mahihiya o mangangamba

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Rhema

Исполнитель