Nais kong samahan mo ako sa awit na Hinabi ng panahong ating pinagsamahan Tulad no'ng pagsama- sama kahit kay bigat ng dinadala Nagagawa pa ring kumanta't tumawa Di natin namalayan sa panahong nagdaan; Sa biruan man o tampuhan, tuloy pa rin at walang iwanan. Mula ng tanggapin natin ang bawat isa Isang bagong lakas ngayo'y ating nadarama. Dahil sa isa't isa'y wala na ang kaba At hamon man ay mag-iba Alam kong kasama ka. May ilang nagtataka, san nagmumula ang ating saya? Katulad din naman tayo ng iba Ang hindi nila alam may pangarap na inaasam Hinahabi't pinagsasaluhan Alam kong kasama ka