Maraming pasko na ang nagdaan Ngayo'y pasko na naman At di na mabilang ang karanasan Ng mga paskong nagdaan Panalangin ko ang bawat pasko Manatiling buhay dito sa puso ko II Ang tanging hangad ko noon pag pasko Regalo ng ninong ko Subalit ngayon ang dalangin ko kapayapaan sa mundo Panalangin ko sa bawat pasko Sa pag-ibig ay isilang ako Pagkatapos ng pasko, Kristmas tri't parol itatago ko Mauubos din aginaldong naipon ko Ngunit lumipas man ang pasko kung nagmamahal ako Sa buong taon, sa puso ko'y pasko III. Ngayon ay Disyembre at kahit saan Pasko'y pinaghahandaan Ngunit sana'y di natin makaligtaan Si Kristo ang dahilan Panalangin ko para sa buong mundo Simulan sa puso pagdiriwang ng pasko (koro) Pagkatapos ng pasko, Kristmas tri't parol itatago ko Mauubos din aginaldong naipon ko Ngunit lumipas man ang pasko kung nagmamahal ako Sa buong taon, sa puso ko'y pasko Pagkatapos ng pasko, krismas tri't parol itatago ko Mauubos din aginaldong naipon ko Ngunit lumipas man ang pasko Kung nagmamahal ako Sa buong taon sa puso ko'y pasko Sa buong taon sa puso ko'y .laging pasko!