Kishore Kumar Hits

Soulstice - Di Ako Sanay текст песни

Исполнитель: Soulstice

альбом: Short Story


Kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
Lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
Pwede bang umuwi ka na lang, baby
'Di ako sanay na wala ka, baby
Pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'Di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko
Kailan ko ba muling mahahagkan ang iyong halik
Kailan ba 'ko magigising sa panaginip
Patapik naman ako oh
Para magising sa katotohanan na
Hindi pa rin bumabalik at hindi matiis kayakap ko palagi aking unan
Miss ko na ang kwentuhan natin dalawa, oh baby
Please lang uwi ka na kasi yeah
'Di nga kasi ako sanay nang wala ka, baby, please uwi na
Girl, uwi na yeah
Kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
Lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
Pwede bang umuwi ka na lang, baby
'Di ako sanay na wala ka, baby
Pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'Di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko
Alam mo bang 'di na 'ko makatulog nang maayos
Simula nung umalis ka 'di na 'ko
Mapakali baka yung mga balat mo magkagalos
Tapos, pa'no pa kita paglulutuan
'Di pa man din ako sanay mag-isa kapag hapunan
Pa'no na lang din kapag may nangyaring
'Di kanais-nais sa iyong mga paroroonan
Ganitong wala ako sa likuran o harapan mo
Ganitong wala 'ko magawa
Pero kailangan tatagan at pagpasensyahan mo
Na kung 'di ko maiwasang mag-isip ng masama
Sobrang mahal kasi kita kaya
Ipangako mo sa 'kin lagi kang magpaparamdam
Palagi kang mag-text at 'wag mong
Kalimutan mga numero ng mga sasakyan mo
Pauwi, para alam ko lang
Tapos tumawag ka na kaagad kung ayos lang
Kasi napakahirap palang magtaka sa gantong sitwasyon na walang
Ikaw, na napakalayo't 'di man lang kita mahawakan
Mayakap at makatabi sa ibabaw ng
Alapaap habang masayang-masayang nag-uusap
Kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
Lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
Pwede bang umuwi ka na lang, baby
'Di ako sanay na wala ka, baby
Pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'Di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko
Hindi ko lang alam kung pa'no ba mapipigilan
Yung pagka-miss ko 'di na dahan
Yung mga kiss mo ang kailangan
Gusto na kita makakwentuhan
Para masabi ko sa 'yo ang lahat-lahat
Tinatago ko lang ang nadarama kong kay bigat
'Di kasi ako sanay kapag wala ka
Kaya lagi kita na naaalala
Bawat gabing wala ka sa 'kin parang gusto ko na lang ang mawala na oh
Uwi ka na kasi para 'di na tayo mahirapan
At kung alam mo lang kung gaano kita na pinaghirapan
Para mayakap na kita at muling mahagkan
Ang tulad ko sa 'yo lang nababagay 'yan
Kahit na madami ang epal,
Naku po walang sino man pwedeng humarang dyan
Kasi alam mo ba na miss ka
Kung galit ka, peace na
Upang patunayan ko sa 'yo na ikaw lamang ang number one
Kailangan ko ang mga yakap mo at lambing
Lalo na ang mga hawak mo sa 'king kamay sa tuwing malamig
Pwede bang umuwi ka na lang, baby
'Di ako sanay na wala ka, baby
Pasensya na kung nag-aalala 'ko sa 'yo
'Di kasi ako sanay nang wala ka sa tabi ko

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Zo zo

Исполнитель

Ezro

Исполнитель

RYDN

Исполнитель