Ikaw ang nagsilbi kong mapa Hawak mo ang manibela Kahit san ibaling ang mahalaga ika'y kasama Di na mahintay, gusto ko na lumakbay Para marating ka at tayong dalawa ay mag-ugnay Takbo ng oras, di na mahabol-habol Wag naman sana (Wag naman sana oh, wag naman sana oh) Binabalangkas bawat bahay Pero tahanan sa'yo lang nakita (sayo nakita oh, sayo nakita oh) Sa daan sinasadya ko lang na magbagal Para lamang makasama ka ng matagal Tiniis mula Lipa hanggang sa Bataan Kahit pa malayo, gagawan ng paraan, diba? Sana ganito tayo palagi Kung pwede lang at maaari Ako ay mananatili (mananatili sa'yo), palagi (Mananatili sayo) Mula sa kanan, dadalhin kita 'gang sa taas ng kalangitan Tiyak na tiyak kahit na trapik di ka susungitan Kahit tayo'y maligaw hindi ka iiwanan Promise, todo peksman Sa daan sinasadya ko lang na magbagal Para lamang makasama ka ng matagal Tiniis ang presyo ng gas kahit na mahal Dahil ganito naman kapag nagmamahal, diba? (diba?, diba?, diba?) O diba? (diba?) diba? (Ikaw parin, o ikaw parin) Ikaw parin Sa pangalawang buhay ikaw pa rin ang aking pipiliin Kahit mag-iba ang iyong kasuotan, 'di ko babaguhin Mali man ang ruta natin, ito'y aking susuungin Kahit pa madilim Kukutitap Nang makita ng lahat Na ang tulad mo pag nagningas ay liliwanag Biglang lumalawak Ating daraanan Ikaw lang ang pupuntahan Ikaw aking walang hanggan