Ang pag-ibig mo'y 'di na madama Oh, sa'kin 'di ka na ba babalik ba? At ang tanging nais mo na ay nag-iba Oh, sa'kin 'di na Pa'no nagawa 'to sa'kin? Oh, 'di ko akalain Matapos mo akong bihagin, bigla mong tatapusin Kumot ay ikaw sa gabi at katabi't nawaglit Lumamig lang saglit parang turing mo sa'ki'y kabit Sabi mo sa'kin, "'Di na kita kailangan" Bakit bigla? Hindi ako panandalian Ayoko sanang mawala ka nang tuluyan Hayaan mong maparating ko ang dapat patunayan Dito papakita, lahat ng nais mo Pagkat mahiwaga lamang sa piling mo Sa'kin ay sawa na, para malaman mong Sa'yo lang nagkagan'to kahit malabo Ang pag-ibig mo'y 'di na madama Oh, sa'kin 'di ka na ba babalik ba? At ang tanging nais mo na ay nag-iba Oh, sa'kin 'di na, baka babalik pa? Ang pag-ibig mo'y 'di na madama Oh, sa'kin 'di ka na ba babalik ba? At ang tanging nais mo na ay nag-iba Oh, sa'kin 'di na, baka babalik pa? Niyaya kang mag-usap para ating aayusin Lahat ng mga plano ay ating papangarapin Binigay sa'yo espasyo, oras, adhikain Di ko na inisip kung may matira pa sa'kin Dito papakita, lahat ng nais mo Pagkat mahiwaga, lamang sa piling mo Sa'kin ay sawa na, para malaman mong Sa'yo lang nagkagan'to kahit malabo Sabi mo sa'kin, "'Di na kita kailangan" Bakit bigla? Hindi ako panandalian Sabi mo sa'kin, 'di na kita kailangan, 'di kailangan Ang pag-ibig mo'y 'di na madama Oh, sa'kin 'di ka na ba babalik ba? At ang tanging nais mo na ay nag-iba Oh, sa'kin 'di na, baka babalik pa? Sabi mo sa'kin, "'Di na kita kailangan" Bakit bigla? Hindi ako panandalian Sabi mo sa'kin, "'Di na kita kailangan" Di ko lang kayang mawala ka nang tuluyan