Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak Nand'yan lang sa paligid, ayaw pang mangausap Mga imahe'y payat, ngunit ang laki ng utak Nag-iwan ng markang palaisipan ang sulat Ako ay nagmasid mula hilaga hanggang timog Sa isang iglap sila'y nakatawid Ang araw at buwan nagkapikunan Kaya may nagliliparang mga plato't platito sa himpapawid Sino bang bisita ang 'di magnanais dumalaw Sa bahay kung sa'n basang-basa ng pawis ng araw? May mga nakakita't nagkakuliti na sila Mga mata nila'y dilat, ngunit pikit pa 'yong isa Sa likod ng mga bituin, rinig ko ang bulungan Mistulang mga bubuyog, tayo ang pulot-pukyutan Madaming takdang pananong ang nagtutubuan At pa'no nga kung sila ang may dala ng kasagutan? Mga sinaunang batong magkakapatong Minsan nang nilamon ng dambuhalang alon At sinakal ng usok na sadyang nakakalason Misteryo pa rin kung ano'ng nangyari no'ng kahapon Sumamba sa mga puno, hayop at anito Nawala ang panghimagas na hinain ng platito Pambihirang kaalama'y tuluyang nalunok Biglang usbungan ng mga gusaling hugis tatsulok Pa'no kung ang buhay sa mundo ay ang konsepto At tayong mga naninirahan ang proyekto? Tayo nga ba'y nilagay para pag-aralan O para ihanda lang sa hinaharap na laban? Sa pagitan ng mabuti't kabaligtaran nito Alam ko na sa iba'y isang kahibangan ito Maaaring lamang sila sa kagamitan Gamit ang kanilang natatanging agham Marahil, tingin nila sa atin langgam Paugain lang ang sahig kaya tayong saktan Pero wala silang alam sa bagay na mayro'n tayo Ang pinakamahiwaga sa mundo ng mga tao, ang pag-ibig Ang pag-ibig Ang pinakamahiwaga sa mundo ng mga tao, ang pag-ibig Ang pinakamahiwaga sa mundo ng mga tao, ang pag-ibig