Paano ba sasabihin sa 'yo? Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari? Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe Palagi na lang akong nakaabang Wala na bang ibang paraan 'Di ko alam paano papaalam Itong lihim kong nararamdaman Matagal-tagal na rin na ito ay kinikimkim Mga pasimple ko sa 'yo na paglalambing 'Di maiwasang mapigilan na kiligin Sa tuwing kasama ka, sukdulan ang saya na nadarama Kaso lang laging may kaba, kaya Paano ba sasabihin sa 'yo? Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari? Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe Oh, laging naghahanap ng bwelo Aaminin na sana, kaso hindi lang makatyempo (oh) Bumibilis kabog ng puso ko na parang tempo sa disco Kahit hindi Pebrero, sana sa 'yo maisentro Ang palaso ni Kupido, oh, please lang Masabi ko na sana sa 'yo lahat this time Na hindi na puro pagpapahaging in real Paparating sa 'yo kung ano ba ang tunay Na nararamdaman at nililihim ko Kasi hindi ko alam ang 'yong magiging Reaksyon kung sakaling malaman At sabihin ko sa 'yo na matagal Na kitang iniibig, ewan ko ba Ba't sa 'yo pa tinamaan ng husto Kaya nagkakaganito, kasi hindi ko pa masabi Sa 'yo nang harapang gusto na kita Kaya ko dinaan sa awit Ang nais ko na mensahe Paano ba sasabihin sa 'yo? Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari? Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe Palagi na lang ba mag-aabang? Sa katulad mong hirap makamtan Hindi ko alam, pa'no papaalam 'Tong lihim kong nararamdaman Paano ba sasabihin sa 'yo? (oh, whoa, yeah) Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari? (oh, whoa, oh) Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe Paano ba sasabihin sa 'yo? Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari? Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe