Kishore Kumar Hits

Jr Crown - Sino Ba Dapat текст песни

Исполнитель: Jr Crown

альбом: Sino Ba Dapat


Sana nakilala ka nung mga panahon na nag-iisa
Na malaya pang umibig, sana 'di naguguluhan
Kung sino ba ang dapat piliin, yeah, yeah
Ikaw ba o siya, o yung mahal ako, o yung mas mahalaga
Namamangka sa dalawang ilog 'di alam kung sa'n patungo
Nasa sitwasyong 'di inasahang mapasubo
Nalilito yung puso naligaw sa katuturo
Pagkabalisa yung dulot kaya hirap makatulog
Sa gabi inaalala ka ba't ka pa nakilala, ah
Itago ang nadarama na gusto na kumawala
Kaso 'la 'kong magawa kahit gustuhin man kita
May bumabagabag sa damdamin kung ikaw o siya
Bakit ba gano'n yeah, ang daming tanong?
Nasa isipan ko pero 'di makatugon
Kung kanino itutuon, sino'ng bibigyang atensyon
At kung sino'ng karapat dapat ko na makarelasyon kasi
Sana nakilala ka nung mga panahon na nag-iisa
'Di na sana ganito, gulong-gulo
Ang damdamin kung sino ba sa inyo kaya nalilito
Sana nakilala ka nung mga panahon na nag-iisa
Na malaya pang umibig, sana 'di naguguluhan
Kung sino ba ang dapat piliin, yeah, yeah
Ikaw ba o siya, o yung mahal ako, o yung mas mahalaga
Pag-ibig na 'di sigurado, mahal ko siya pero iniingatan ko yung tayo
Parang burak na malabo 'di alam kung sa'n dadako
Tungo sa maling pangako, ano'ng magagawa ko?
Kung parehas ang tibok ng puso 'di lang isa
Kaba sa bawat paglunok kung sino nga ba talaga
'Yan ang hindi ko masagot kasi ang hirap magpasya
Kung sino pipiliin ko mahal kita mahal ko s'ya, yeah
May araw na hindi kita katabi siya ang gumagawa ng dapat hindi
Kung alam ko lang sana hindi na lang na uwi
Sa gan'tong sitwasyon ako yung talo bandang huli
Sa t'wing ngumingiti ka parang ako yung nahihirapan
'Di alam kung sino sa 'ting dalawa yung lumalaban
Mahal naman kita hirap nga lang ipagsigawan
Dahil sa parehas ko lang kayo na iniingatan
Sana nakilala ka nung mga panahon na nag-iisa
Na malaya pang umibig, sana 'di naguguluhan
Kung sino ba ang dapat piliin, yeah, yeah
Ikaw ba o siya, o yung mahal ako, o yung mas mahalaga
Puso'y nahihirapan, tukso'y 'di malabanan
Hirap takasan ng nararamdaman
Mahal kita ngunit bakit 'di magawang iwasan
'Di ko 'to gustong dalawa kayong laman
Pa'no nga ba 'to ayoko kayo na masaktan
Ako'y nag-aalangan kung tamang pakawalan
Ang pag-ibig na nagbigay ng kaligayahan
Ngunit kaylangan ko nang mamili
Iisa lang dapat ang mag may-ari
Sa puso kaso parehas kayong mahalaga
Sana nakilala ka nung mga panahon na nag-iisa
Na malaya pang umibig, sana 'di naguguluhan
Kung sino ba ang dapat piliin, yeah, yeah
Ikaw ba o siya, o yung mahal ako, o yung mas mahalaga

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Jom

Исполнитель

Yayoi

Исполнитель