Aking mahal, pakiusap Ako ay hindi dalubhasa Sa pag-aaruga, ang 'yong puso sinta Kauna-unahang naging akin lamang At dito sa'ting mundong walang sigurado Ngunit ang dinarama ay buong, buong, buo Kay tagal nang hinahanap Mga akmang mga pangungusap Wala yatang katumbas Hindi sapat ang mahal na mahal kita Aking giliw, pakiusap Tumataya't nangangapa Pagkaingat-ingat ngunit nadarapang 'Pag siya'y sobra-sobra ngunit laging kulang Laging nahuhulog at nadedehado Ngunit ang pagmamahal ko'y buong, buong, buo Kay tagal nang hinahanap Mga hakbang, mga pangungusap Wala yatang katumbas Hindi sapat ang mahal na mahal Kay tagal nang iniisip Sa lahat ng tamis at pait Habang kasayaw ang pag-ibig Paano ko ba iaalay ang musika? Hindi sapat ang mahal na mahal kita Kay tagal nang iniisip Sa lahat ng tamis at pait Habang kasayaw ang pag-ibig Paano ko ba iaalay ang musika? Hindi sapat ang mahal na mahal kita Aking mahal, pakiusap Ikaw ang aking bagong pangarap