Angel: Harlon, kamusta ka na? Harlon: Hoy Angel! kamusta ka na? Anong balita sayo? Angel: Ay eto, gromaduate sa isang exclusive school for girls Harlon: Hmm... Angel: Hm. Um, Tapos eto, alam mo ba? Natanggap ako sa isang napaka-magarbong kompanya Harlon: Wow! Angel: Tas alam mo ba? E2 kukwentuhan kita, Sana di ka nagmamadali ha. Harlon: Hindi hindi Angel: Ngayon lang kasi tayo nagkita eh. Harlon: Ayos lang, ayos lang Angel: Ayon, kasi alam mo ba dun sa may opisina namin nag-karoon kami Ng outing, alam mo dito sa may Tagaytay Harlon: Hmm... Uhmm. Angel: Tas kumain kami sa isang restaurant napaka sarap! ng mga pagkain Harlon: (Wala akong paki sa outing nyo) Ahh, ganun ba? Angel: Oo, tapos eto kumain kami ng roasted chicken, petochini Harlon: Hm. Um Angel: Spaghetti Harlon: Wow! Angel: Tapos Harlon: (Niloloko lang yata ako nito) Angel: Kumain kami ng malaking hot wings, tapos alam mo ba? Habang ninanamnam ko yung hot sauce naiisip ku yung nanliligaw ka pa Sa akin Harlon: (Anu bang nakain ko, naligawan ko to dati) ahh.eh. Angel: Ay eto naman, naiilang naman, Oi! alam mo ba Ha-Harlon Uh ah Ano bang trabaho mo Harlon: Nakikita mo naman meron akong baril, Guard, Guard ako ngayon Angel: Security Guard! Harlon: Oo Angel: Kailangan mo ng pera noh? Harlon: (Matagal ko ng di nalilinis tong baril ko) Angel: Hai, wag ka nang mag- isip isip pa, o sige na lilibre na lang Bibigyan na lang kita ng pera, susustentuhan kita, baka gusto mo lumabas? Harlon: (Kasa ko kaya tong baril na to) Eh! kasi hanggang gabi ako dito nga Angel: Ay hindi sige ok na yan, tara na ako ng bahala Bibili na lang tayo ng mga damit sa ukay, o kung san man gusto mo May signature o sige na tara na, tara na Harlon: Yeah. hindi ko pwedeng Angel: Sige na tara na, halikan na sige na (Gun Shot)