Dumadaloy sakin Bawat ilog, lawa at tubig-asin. Dumadaloy sakin Sa tinataglay kong lawak ng himpapawid Makinig sa pahiwatig ng Makatang galing sa modernong paraan. Hanapin ang sariling ligaw Sa makitid na daan at pagtanaw. Ang pagmamalay wag na wag pabayaan Nang makabangon ang perlas ng silanganan. Isip mo at isip ko Ginintuang sandata ng pagbabago Tanong ng kababayan: Paano makakapag-isip ang walang laman ang tiyan? Sino ang nagsabi Na siya ang huhubog sa kinakabukasan Madalas na 'di napapansin Edukasyon ngayon ay kulang sa diin. Ang ating mga silid aralan Ang mga guro nagbebenta na lamang. Pero di ako susuko sa tanong. Pag-asa ko'y kakaibat ng aking dunong. Doon tayo sa malayo tumingin. Mahalin ang bukas na darating. Dumadaloy… Dumadaloy sa akin… Dumadaloy sa iyo…