Smugglaz #16BarsChallenge Rap na kagad tangina!!! Di ko na kelangan ng mahabang pasakalye. Para paunawa kung ano ang aking gagawin, ginagawa, o gagawin pa lamang ng masabe. .Sa labing anim na bara, ang aking mga pakara sakin ma'y bitin yon. .Masakit sa ulo pero pag nasarapan baka gawin ko pang labing anim na milyon. .Kung sakaling may hihigit pa, sayong limitasyon ba't magtitipid ka. .Eh kahit "Freestyalin" ko lang sisiw to want mo Unlimited pa. .Baket di mo ko kilala? kung meron tunay dito, sino satin ha??? .Kung sasabihin mong ikaw at di ako yan ang katotohanan, Sinungaling ka!!! .Lisensyado magyabang at mas, tituladong mag-angas. .Ang mga tulad kong pambihirang may minsang naging ganon na kadalas. .Sa panahong to! kahit masyado na kong naging abala. .Sa pagiging simpleng poging rapper #SPR wag kayong mag-alala. .Dahil di ko nalilimot ang ako maging ako sa mga pagkakataon na kailangan. .Lalo na kung pagdating sa halimawan, meron na kong matatag na katibayan. .Kahit gano na ko kataas, may pagpapakumbaba kong isinulat to. .Wala kong pake kung merong mayabangan, Trono ko naman ang binubuhat ko. Brrr! Tangan ko ang mabigat na kataga at bitbit ko ang tanikala Na kapag sinampal ko sa mga pukinangina ay lintik kung magpakawala Para bang ispiritwal na palakol palakol na gumigiba ng panahon Panahon na para ako magbaon wala nang ata-ata-ataol Derecho sa ilalim wala nang pasikot-sikot ilibing ng buhay ang mga to Kabilang mundoy tatagusin mo pag binaon kita gamit ang kamay ko Ayoko magyabang pero sino ang rapper na hindi ako kilala Kung meron man oo meron nga pero malamang non malamang patay na Kaya wag kang magpapasiklab sakin ng rap na baryabarya Tao akong kausap pero mala-animal akong sumalya haaa Samin wag nang magmaasim pa Pag pumutok dila ko patay kahit yung hindi ko inasinta Yung puro lang flow flow mga utak so slow mga pukinanginang to Oh no bigyan ng low blow sarap sapakin ng mga to Nagiisa lang ako kahit kailan ay walang magiging kapares Wag mo kong angasan at baka ihatid kita sa pintuan ng hades