Bakit nagbago pag-ibig na kay tamis? 'Di alam ang ginawa ko kung bakit bigla kang nainis Kaya lumihis at umalis, parang kalat na winalis Relasyon biglang naglaho, pangyayari'y sadyang kay bilis 'Di lubos maisip, uh, kung bakit ba nagkagan'to? 'Di naman ako nahuhuli 'pag ikaw ay sinusundo Magkasundo sa bawat bagay, sa bawat pakay Wala pa rin bang tiwala na pag-ibig ko ay tunay? Mahal kita, ba't 'di mo kayang pagbigyan? Ang puso ko sa 'yo, bakit sinasaktan? Hindi na totoo mga sinabi mo sa akin Hindi na sigurado 'pagpatuloy pa 'tong ating Relasyong masama, 'di na tayo masaya (masaya) Ba't 'di natin subukang bumalik sa umpisa? Para ating itatama (para ating itatama) Para ating itatama, oh (para ating itatama) Ni hindi ka na nagtatampo (no) Palaging malamig ang yakap mo (sheesh) 'Di na kita pwede na asarin Naba-bad trip ka na kapag lalambingin 'Kala mo, laro lang ba? 'Kala mo, laro lang ba? Dami mong oras makipagsagutan Ba't 'di mo subukan makipag-ayos? Ako na nga sa ilalim Away na lang ba palagi? Sana nama'y seryosohin Gan'to na lang ba palagi? Alam ko naman na mahirap 'to Kaya pag-usapan natin 'to Ayusin natin kung ano ang mali Para 'di tayo magsisihan sa huli Mahal kita, ba't 'di mo kayang pagbigyan? Ang puso ko sa 'yo, bakit sinasaktan? Hindi na totoo mga sinabi mo sa akin Hindi na sigurado 'pagpatuloy pa 'tong ating Relasyong masama, 'di na tayo masaya (masaya) Ba't 'di natin subukang bumalik sa umpisa? Para ating itatama (para ating itatama) Para ating itatama, oh (para ating itatama) Iniwang luhaan, lunod sa emosyon 'Di mo man binigyan ng pagkakataon o eksplanasyon Nang akin naman mapakinggan Gan'to na ba tayo kagrabe? 'Di na ba pwedeng bumalik sa dati? At baka sakaling mahanap ang susi At muling pag-ibig natin ang maghari 'Yoko tayong mahati Tapat sa 'yo nang isang daan At walang kalahati (uh) Kaya sana puso'y muling buksan Pag-usapan natin at maiwasto Pag-ibig ko sa 'yo, 'di iiwas 'to Ibibigay lahat ang gusto mo Maibalik ko lang ang puso mo Mahal kita, ba't 'di mo kayang pagbigyan? Ang puso ko sa 'yo, bakit sinasaktan? Hindi na totoo mga sinabi mo sa akin Hindi na sigurado 'pagpatuloy pa 'tong ating Relasyong masama, 'di na tayo masaya (masaya) Ba't 'di natin subukang bumalik sa umpisa? Para ating itatama (para ating itatama) Para ating itatama, oh