'Yung dating tayo ay wala na, pa'no ba 'to? Bakit biglang gumulo? 'Yung dati nating binuo Wala na, gumuho na Mahal, kamusta? Masarap ba gising mo? Buti nakatulog ka Ako, 'eto, simula nu'ng nangyari Lahat 'to ay binabangungot na Ligaw na ligaw, 'di alam kung sa'n pupunta Halos malunod na Dahil sa pagkalugmok na may halong lungkot Kaya laging nagluluksa Nabugbog pa Kahit na utak ko lang ang kalaban, ako ay nadurog Kahit na sa tinik, ako'y natusok Ay naging tahimik, hindi na rin para humugot May luhang tutulo Tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot Ako ay nahulog Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot Pero 'wag mag-alala Kahit papa'no, nakakahinga Hindi nakatulong 'yung kasabihang "'Pag napagod, kailangan lang magpahinga" Ilang gabi na Na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na Pero hindi pa rin nagmakaawa Kahit na kawawa't aping-api na Ikaw, kamusta ka d'yan? Sana hindi mo 'to mapakinggan Kasi ayoko sabihin mo sa sinabi ko Ikaw ang pinaparinggan Sumakay ako sa alon mo Kasi akala ko pareho tayo na gustong magkapitan Eh, 'di sana 'di na nagkainteres sa interes Ito ang bunga ng kapital 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa nang magkasama Wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya 'Yun ang 'di ko kaya Buti ka pa Parang hindi mo iniinda Habang ako ay hirap na matulog At sana'y hindi na gumising pa Gusto ko ng medisina Para hindi na makadama ng sakit sa tuwina Pampamanhid, bibilhin ko agad Kung mayro'n mang nagtitinda 'Di ko na pinilit alamin ang totoo Kasi iniisip ko baka mas lalong gumulo 'Yung sabay natin na binuo Nawala rin kaagad kasi puno ng alaala, madugo 'Pagka mag-isa, nakaupo, madalas nakayuko Kasabay ng luhang ayaw matuyo 'Pag may kaharap na ibang tao Naku po, magpapanggap na buo Kailangan masaya ako palagi Kahit na hindi na katulad ng dati Para 'di nila isipin na nahihirapan ako Sa lahat ng nangyayari Sinasarili ang bawat kirot Na pinapasan sa likod Habang nagtataka lagi Kung bakit bulok ang binunga, imbis na hinog Mahirap magpanggap na ayos lang Kaso kailangan Sa ganitong kaganapan Ay dapat agapang makita ang 'yong kahinaan Para hindi kaawaan o pagtawanan Mahirap palang maranasang masaktan Sa kamay ng napiling pakisamahan 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa nang magkasama Wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya 'Yun ang 'di ko kaya Sana ako'y tulad ng iba Kaya kang iwanan d'yan nang mag-isa Luha mo ay hindi pupunasan Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano'n Tinulungan kang makalipad Para sa 'yo ay nakahanda akong gawin ang lahat Wala na sa 'king natira, balewala pa Pakinggan n'yo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna Bakit gano'n ang panahon? Ako ay napakaraming tanong Akala ko ay dinala kita sa palasyo Pero sabi mo ay kinahon Ang dating tayo na palaging masaya At nagsasama nang matiwasay Init ng apoy na namamatay panggatong Ako na lamang ang naglalagay (Ano ba sa iyong palagay?) Inakay na kita makadaan sa landas na madilim 'Di naman ako 'yung tipo ng lalaking iiwanan ka na lamang Kasi natapos na kitang pitasin Napakahirap abutin, 'di mo ba napansin? Dinidiligan ko ang 'yong hardin Inaabangan na dumating Bakit madalas ka na yatang inaabutan ng dilim? Oh, bakit parang lumalalim ang sugat? Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat Alam ko na siya ang nilalaman ng sulat Mabigat, pero hindi na magugulat Hinihintay kitang makauwi Lumuluha kahit nakangiti Lungkot na palagi kong buhat, hindi ko masukat Pilitin ko mang ikubli Balita ko may sinasabi Ang mga tsismosa na ale 'Di ko inakala 'to, grabe Sa ulo ko ay may tae 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa nang magkasama Wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya 'Yun ang 'di ko kaya 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat 'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat Mga alaala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa nang magkasama Wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya 'Yun ang 'di ko kaya