Hmm, woah... Mas mahal na kita ngayon Higit pa kaysa noon Mas mahal na kita ngayon At sa habang panahon Wala akong pakialam sa 'king nakaraan Kahit na ako'y pinagtatawanan Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon, dahil 'Di mo na 'ko tinutulak sa 'ting hagdanan 'Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam At sa gabi, 'pag ako'y tulog nang mahimbing 'Di mo na ako tinatakpan ng unan 'Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan 'Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan Mas makinis na rin ang balat sa dibdib Dahil hinding-hindi mo na 'ko pinakukulam Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon 'Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon ♪ Mas mahal na kita ngayon 'Wag ka nang magtatanong Basta't mahal na kita ngayon 'Yan ang lagi kong tugon Kahit 'di mo nakikita o nararamdaman Ang aking tuwa ay walang paglagyan Ang alam ko lang, mas mahal na kita ngayon, dahil 'Di mo na pinapakain ng para sa pusa 'Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa At 'pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda 'Di na masyadong malakas ang iyong tawa 'Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta 'Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga Hindi na kulay dugo ang aking paningin Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon (hapdi at kirot na sinapit ko noon) 'Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon ♪ Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon, dahil 'Di mo na kinekuwentong satanista ako At ang nanay ko'y ni-rape ng isang maligno Nabawasan na rin ang bukol sa ulo Dahil hindi mo na 'ko pinapalo ng tubo 'Di mo na pinapalayas nang nakahubo 'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo Dahil hindi mo na dino-donate ang aking dugo Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon (hapdi at kirot na sinapit ko noon) 'Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon Kahit nasa'n ka man, mas mahal na kita ngayon (mas mahal na kita ngayon) Ang cute mo naman, bagay ka sa iyong... Ataul