Sabi ko sa hambog, sila ay mag-ingat At ang masasama ay 'wag magpasikat Ang pagmamalaki ay dapat iwasan Kung magsasalita ay 'wag karahasan ♪ Sungay ng masama, puputulin lahat Yaong sa matuwid na may itataas Mauubos ang tao dito sa daigdig Ang saligan ay kanyang ititindig ♪ Hindi sa silangan, hindi sa kanluran Hindi rin sa timog o sa hilaga man Hindi sa silangan, hindi sa kanluran Hindi rin sa timog o sa hilaga man Darating ang hatol na inaasahan ♪ Ang ating Panginoon, may kopang hawak Sariwa't matapang yaong lamang alak Ipauubaya niya, ito'y tutunggain Ng taong masasama, hanggang sa ubusin ♪ Sabi ko sa hambog, sila ay mag-ingat At ang masasama ay 'wag magpasikat Ang pagmamalaki ay dapat iwasan Kung magsasalita ay 'wag karahasan ♪ Hindi sa silangan, hindi sa kanluran Hindi rin sa timog o sa hilaga man Hindi sa silangan, hindi sa kanluran Hindi rin sa timog o sa hilaga man Darating ang hatol na inaasahan