Ako'y bangkang papel na naglalayag Sa gitna ng iyong mga dahilan Maalat na dagat ng kasinungalingan Mga bituing papel sa langit Kong tanaw iyong sinisilaban Kasamang naabo ang mga kahilingan Sakaling mawala ang usok Pwede ba muling sumubok? Sakaling mawala ang usok Paano pa kaya ulit titibok? Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay Unti-unti mong sinarado ang 'yong palad kasabay ng Paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway Sa eroplanong papel ay nakasaad Ang pangakong 'di pahahadlangan Kasamang lumipad ang mga kahilingan Sa pagbulusok ay nahulog sa lapag Malapit sa iyong paanan, pinulot at hinagis sa 'di kalayuan Sakaling mawala ang lukot Pwede ba muling sumubok? Sakaling mawala ang lukot Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay Unti-unti mong sinarado ang 'yong palad kasabay ng Paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway ♪ Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay Unti-unti mong sinarado ang iyong palad kasabay ng Paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway