Kishore Kumar Hits

Tootsie Guevara - Mahal Ka Sa Akin текст песни

Исполнитель: Tootsie Guevara

альбом: Best of Tootsie Guevara


Mahal na mahal
'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman
Kung 'di mo alam
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan
O, bakit ganyan
At maging sa 'king pagtulog
Laging ala-ala ka
Nais makapiling
Nais makayakap sa t'wina
Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan
Sana, pag-ibig na nadarama'y paka-ingatan
Huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig
Ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan
Sana, pag-ibig na nadarama'y paka-ingatan
O, huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig
Ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Kaba

1999 · альбом

Похожие исполнители