Kishore Kumar Hits

Pops Fernandez - Hindi Pa Pala Ikaw текст песни

Исполнитель: Pops Fernandez

альбом: The Way I Feel Inside


Iisang pangarap na laging nasa isip
Magkatulad ang ating mga panaginip
Maraming tag-araw ang sa atin ay nagdaan
Sabay din sinalubong
Ang maraming tag-ulan
Ang pagmamahalan
Akala ko'y matibay
Bakit kaya ngayon
Malapit nang magkawalay
Hindi pa pala ikaw
Ang para sa akin
Pag nagtanong sila
Ano'ng aking sasabihin
Hindi ko maisip
Di ko akalain
Hindi pa pala ikaw
Ang para sa akin
Akala ko noon ikaw na at ako
Nalimutan ko pala lahat ay nagbabago
Pagdating ng tag-ulan baka wala ka na
Pagdating ng tag-araw di na
Ikaw ang kasama
Ang pagmamahal
Akala ko'y matibay
Bakit kaya ngayon
Tayo ay naghihiwalay
Hindi pa pala ikaw
Ang para sa akin
Kung sino man siya
Minsan ko pang hahanapin
Kung aalis ka na
Hindi kita pipigilin
Hindi pa pala ikaw
Ang para sa akin...
Hindi pa pala ikaw
Ang para sa akin
Kung sino man siya
Minsan ko pang hahanapin
Kung aalis ka na
Hindi kita pipigilin
Paalam na mahal
Masakit man... sa akin
Hindi pa pala ikaw
Ang para... sa akin...

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

POPS

1993 · альбом

Похожие исполнители