Nais kong maihip Ng hanging walang patutung'han Parang ibong wala ring hangarin Kung 'di ang lumipad nang lumipad Nais kong lumipad Nais ko ring maagos ng alon Saan man mapadpad Kahit na isdang mumuntiin Hangari'y lumangoy nang lumangoy Nais kong lumangoy Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay Nais ko, nais ko Nais kong maulit ang buhay Kung may pagkakataon Upang mamalas ang mga bagay-bagay Na 'di ko natanto sa aking buhay Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko Nais kong maihip Ng hanging walang patutung'han Parang ibong wala ring hangarin Kung 'di ang lumipad nang lumipad Nais kong lumipad Nais kong malibot ang mundo sa kan'yang kasuluk-sulukan Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay Nais ko, nais ko Nais kong maulit ang buhay Kung may pagkakataon Upang mamalas ang mga bagay-bagay Na 'di ko natanto sa aking buhay Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko
(Nais ko) Nais kong mabuhay muli (Nais ko) Nais kong maulit muli Ulitin muli, ulitin muli, paulit-ulit, ulit muli (Nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli) Ito ang nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli) Nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli) Ito ang nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)