Ngayon lamang nadarama ng puso ko Tila yata umiibig na sa 'yo Ikaw lang ang pangarap, ikaw ang tanging hanap Sana'y iyong malaman, pag-ibig ko'y walang hanggan Sana'y dinggin mo ang awit ng puso ko Ang bawat himig at titik nito, iaalay sa 'yo Sana'y dinggin mo ang sigaw ng puso kong nagmamahal Magpakailanma'y 'di magbabago, nandito lang ako ♪ Huwag mo sanang muling saktan ang damdamin ko Dahil minsan nang nabigo't lumuha lang ito Ngunit sa 'yo natutong tumibok muli ang puso Tanging sa 'yo lamang, pag-ibig ko'y ilalaan Sana'y dinggin mo ang awit ng puso ko Ang bawat himig at titik nito, iaalay sa 'yo Sana'y dinggin mo ang sigaw ng puso kong nagmamahal Magpakailanma'y 'di magbabago, nandito lang ako Iisa lang ang aking hinihiling Ang tapat na pag-ibig ko, iyong tanggapin Sana'y dinggin mo ang awit ng puso ko Ang bawat himig at titik nito, iaalay sa 'yo Sana'y dinggin mo ang sigaw ng puso kong nagmamahal Magpakailanma'y 'di magbabago Ang pag-ibig ko'y 'di maglalaho, ooh Sana'y dinggin mo (sana'y dinggin mo) Sana'y dinggin mo (sana'y dinggin mo) Sana'y dinggin mo