Bakit 'di malaman ang aking gagawin Laging umiiwas at hindi makatingin Wala nang masabi kapag kausap na Kaba sa aking puso ay hindi nawawala 'Di makakilos 'pag nagtagpo mga mata 'Di na mapigil, sana'y maamin na Kung kaya ko ang umiwas sa damdamin kong ito Kung kaya ko ang itago ang pag-ibig ko sa'yo Napakahirap iwasan ang mga titig mo Kung pwede lang, para lang sa'yo ang totoo Alas singko y medya gising pa ang diwa ko 'Di makatulog sa kakaisip sa'yo Bawat panaginip mistulang pelikula Kasama ka lagi, hirap niyan ikaw ang bida Wala kang ideya sa pagod at puyat ko Sa kakaisip kung mapapansin mo ito Kung kaya ko ang umiwas sa damdamin kong ito Kung kaya ko ang itago ang pag-ibig ko sa'yo Napakahirap iwasan ang mga titig mo Kung pwede lang, para lang sa'yo Hanggang kailan aasa at maghihintay sa'yo Kailan masasabi ang laman ng puso ko Kung kaya ko ang umiwas sa damdamin kong ito Kung kaya ko ang itago ang pag-ibig ko sa'yo Napakahirap iwasan ang mga titig mo Kung pwede lang (Kung pwede lang), para lang sa'yo Kung pwede lang (Kung pwede lang), para lang sa'yo Ang totoo