Masdan mo ang langit Umaawit na para bang naglalambing Ngunit sa 'king pag-idlip Tinitiis ang pusong malayo ang tingin Sa'n na ba 'ko dadalhin ng aking pagsinta? Hanggang tanong na lamang ba? Ano nga ba tayo para sa 'yo? Ulilang pagsuyo, hanggang ngayo'y nakapako Malabo ang basahin ang iyong damdamin Hahaplusin bawat sandali kahit 'di ka man akin Ako'y samahan kahit sa pagitan lang Pipilitin ang sariling tanggapin na 'di ka nga pala akin Nagbabaka-sakali, tayo'y may walang-hanggan Ako lang ba ang susugal? Oh-whoa, kay sarap nitong sakit Hinahanap-hanap ng aking diwang nakapikit Sa'n na ba 'ko dadalhin ng aking pagsinta? Hanggang tanong na lamang ba? Oh Ano nga ba tayo para sa 'yo? Ulilang pagsuyo, hanggang ngayo'y nakapako Malabo ang basahin ang iyong damdamin Hahaplusin bawat sandali kahit 'di ka man akin Ako'y samahan kahit sa pagitan lang Pipilitin ang sariling tanggapin na 'di ka nga pala akin 'Di ka nga akin ('di ka man akin) 'Di ka nga, 'di ka nga akin ('di ka nga akin) May pag-asa ba tayo? (Kailan ba kaya tayo?) May pag-asa ba tayo kahit 'di ka nga akin? Ako'y samahan kahit sa pagitan lang Pipilitin ang sariling tanggapin na 'di ka nga pala akin 'Di ka nga pala akin