Sa isang saganang bayan sa silangan Kalungkuta'y nararanasan Pagpatak ng luha'y 'di mapigilan Dahil sa pag subok na pinagdaraanan Oh bayan ko, kapwa Pilipino Kami'y bandito para sa inyo O bayan ko iaalay ang aking puso Kami ang lalaban para sa inyo Sundalo kami'y tawagin Panganib ay susuungin Kahit na sa alanganin Itataya ang buhay para sa bayan natin Bawat unos na nararanasan 'Wag patitinag ating kababayan Pamilya mo ay nasa 'yong mga kamay Kaming sundalo ang kaagapay May sundalo na maaasahan Sa pagtulong para sa bayan Ang Diyos ay aming sandigan Para sa bayan at mamamavan Mga nag buwis ng buhay Para sa ating bayan Kaligtasan, kapayapaan para sa ating lahat Sundalo kami'y tawagin Panganib ay susuungin Kahit na sa alanganin Itataya ang buhay para sa bayan natin Iaalay ang buhay para sa bayan natin