Kishore Kumar Hits

April Boy Regino - Nasaan Ka, Kailangan Kita текст песни

Исполнитель: April Boy Regino

альбом: Umiiyak Ang Puso


Sa gabi'y 'di makatulog, lagi nang nalulungkot
Ang kahapon ay 'di malimot, nasa puso lagi ang kirot
Kailan kaya mawawala sa damdamin ang pagluha?
Kailan mawawala ang sakit na nadarama?
Laging naaalala, pagsasama nating kay saya
Kapag tayo'y magkasama, parang langit ang nadarama
Pagmamahal na walang hanggan ang ating sumpaan
Ngunit, ikaw ay lumisan, iniwan akong luhaan
Paano malilimutan ang ating nagdaan?
Paano maiiwasang puso'y 'di masugatan?
Gayong ikaw ang laging laman ng aking isipan
Kahit na nasasaktan, pag-ibig ko'y tanging sa 'yo lang
Ooh, mahal kita, wooh-ooh
Ooh-ooh, nasaan ka? Kailangan kita (kailangan kita)

Ikaw ang aking pag-asa at tanging ligaya
Maging sa panaginip ay hanap-hanap ka
Tanging sa pag-ibig mo, pag-ibig mo ang buhay ko
Kahit wala ka na, puso ko ay iyong-iyo
Noo'y kaligayahan ang nararamdaman
Tila ba ang pagmamahala'y walang katapusan
Ngunit, bigla kang lumayo, parang bula na naglaho
Langit na pangako mo, napalitan ng pagluha ko
Ooh, mahal kita, wooh-ooh
Ooh-ooh, nasaan ka? Kailangan kita (kailangan kita)
Sa gabi'y 'di makatulog, lagi nang nalulungkot
Ang kahapon ay 'di malimot, nasa puso lagi ang kirot
Kailan kaya mawawala sa damdamin ang pagluha?
Kailan mawawala ang sakit na nadarama?
Kailan mawawala ang sugat na dinulot mo?
Wooh-wooh-wooh-wooh

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Idol

2008 · альбом

Idol

2008 · альбом

Похожие исполнители