Minsan ang awit kong ito'y pakinggan Laging ihahatid yaong dinaanan Ating dalawa noo'y parang iisa Yun ay panahong ngayon ay wala na Minsan ay ngingiti ka ring mag-isa Minsa'y inis at galit pa Tulad ko'y malulungkot May naiwan ding kirot Sa ating puso Kung minsan ba'y nais mong balikan Baguhin ang lahat ng nagdaan Huwag marinig ang tinig kong hangal Sambit ang ngalan mo sa magdamag Minsan ang awit kong ito'y pakinggan Awit na alaala lang Lampas langit nagmahal Sa iyong buhay nagdaan Nang minsan lang Kung minsan ba'y nais mong balikan Baguhin ang lahat ng nagdaan Huwag marinig ang tinig kong hangal Sambit ang ngalan mo sa magdamag Minsan ang awit kong ito'y pakinggan Awit na alaala lang Lampas langit nagmahal Sa iyong buhay nagdaan Nang minsan, nang minsan lang