Ano ang hangganan Ng dalawang pusong nagtagpo Sumabay sa isa't isa Nagpatangay sa di mapigil na pag-ibig Paano ko susukatin Kung ilan at hanggang saan Ang abot ng pagmamahal Ngayo'y gumugulo sa aking isipan Pati pintig ng puso ko Bawat ngiti, bawat hikbi Ngayon ay hawak mo Bawat yugto ng buhay ko Bawat hakbang, bawat galaw Ngayon ay tangan mo Pagbilog, pagliit ng buwan Paglipas ng bawat araw Iisa lang ang natatanaw Walang iba kundi ikaw Ano pa ang maaaring itago ko't Ipagdamot ngayon Mayroon pa bang Nalalabing bahagi ng buhay kong mula sa iyo Umaga at kadiliman Nagsama at naging isa Hindi ko na namalayang Lahat sa buhay ko pala ngayon'y ikaw Pati pintig ng puso ko Bawat ngiti, bawat hikbi Ngayon ay hawak mo Bawat yugto ng buhay ko Bawat hakbang, bawat galaw Ngayon ay tangan mo Ang tangi kong hinihiling Ako'y laging mahalin At sana'y ingatan mo Baka tumitigil Sana'y itago mo Baka maglaho Pati pintig ng puso kong sumasamba Nagmamahal sa iyo...