Araw ay sumisikat, bumubuti ang lahat 'Yun pala sapagkat ang pag-ibig mo'y tapat May ngiti na bakas, masayang madalas 'Yun pala ang lunas, ang pag-ibig mo'y wagas Aaminin ko na nga na ikaw nga talaga Ang sanhi ng taglay kong ligaya Pag-ibig mo pala ang s'yang pinagmulan Nang 'di maikakailang tuwa sa puso ko Pag-ibig mo pala na 'di mapantayan Ang s'yang nag-iisang hindi nagbabago Ang lahat ay kay ganda, parang langit ang nadarama Dahilan ito'y pag-ibig mo pala ♪ Kahit ang kabiguan ay biglang gumagaan 'Yun pala'ng dahilan ng pag-ibig mong laan Ang gabing madilim ay biglang nagniningning 'Yun pala ang angkin, ang pag-ibig mo sa 'kin Aaminin ko na nga na ikaw nga talaga Ang sanhi ng taglay kong ligaya Pag-ibig mo pala ang s'yang pinagmulan Nang 'di maikakailang tuwa sa puso ko Pag-ibig mo pala na 'di mapantayan Ang s'yang nag-iisang hindi nagbabago Ang lahat ay kay ganda, parang langit ang nadarama Dahilan ito'y pag-ibig mo pala Ang lahat ay kay ganda, parang langit ang nadarama Dahilan ito'y pag-ibig mo pala