Kishore Kumar Hits

Alamat - Maharani текст песни

Исполнитель: Alamat

альбом: Pasulong


Nakatabing na naman ang iyong mga mata
May pahaging pero parang ayaw mong pahalata
Sinaktan ka na naman ba niya? Bakit 'di ka pa nadadala?
Ang tulad mo ay tipong hindi basta binabalewala (Alamat, handa 'rap)
Pero 'di niya batid ang kaniyang sinasayang
Habang ako dito'y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
Pangako, 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani
Nakatabing mga labing nais nang isigaw
Kung sakaling papalarin ay maging ako't ikaw
Subok lang baka naman, ito pala 'yung pangwalang-hanggan
'Pagkat tulad mo 'yung tipong kahit ano aking ilalaan
Pero 'di niya batid ang kanyang sinasayang
Habang ako dito'y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
Pangako, 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani
Mala-prinsesa
Sa 'king paningin ay nababalot ng ginintuang seda
Ako'y nabibihag ng iyong mga ngiti
Na para bang nakatanikala sa selda
Pasensiya na, hindi naman na lihim (shh)
Ikaw ang natatanging gusto ko na makapiling
Ang bawat daan ko sa iyo na nakakiling
Sana mabigyan ng pagkakataong ibigin (woo)
Panahon ay nasasayang
'Pag pinaglalaban ang hindi ka naman kayang ipaglaban
Kaya sa 'kin ka na nga lang
Ipinapangako ko ang puso ko'y magiging sa 'yo lamang
Sa dami ng katunggali, magpupunyagi
Hanggang sa ako'y magwagi
Ngunit kahit magapi ang pagtingin
Dito pa rin maglalagi
Maharani, maaari bang mapagbigyan? (Maharani, pagbigyan)
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (pag-ibig mo ay makamtan)
Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan (hey, ooh, ooh)
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa ('di magsasawa)
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (kung sakali)
Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa (sumusumpa)
Maharani

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

VXON

Исполнитель

BGYO

Исполнитель

Josue

Исполнитель

Felip

Исполнитель

DIONE

Исполнитель

SB19

Исполнитель

G22

Исполнитель

KAIA

Исполнитель

BINI

Исполнитель