Kishore Kumar Hits

Kyle Juliano - Nadarang текст песни

Исполнитель: Kyle Juliano

альбом: Unmasked


Oh, oh
Oh
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
May lakad ka ba mamaya?
Puwede ka ba makasama sa paggagala?
Kung sakaling 'di ka puwede
Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa
Siguro nga, napapaisip ka
Ba't ako nangangamusta?
Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko
Nag-aalala lang ako, baka sa'n ka mapunta
Pero mukhang ayos ka naman
Kahit 'di na kita abalahin pa
Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sa 'kin? Uh
Habang pinapantasiya lamang nila
Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga
'Yung "ikaw" sa likod ng kolorete pa din
Ang nangangahulugan sa salitang "paraiso" para sa 'kin
Bakit kaya kayamanan ko pa din kinikilala
Ang inyong pagtawa?
Kahit na sa puso mo man ay do-dosena ang kasya
Dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran
Kaya 'di na bago sa 'kin mawalan ng pag-asa
Ala-una ng umaga na naman
Tawagan mo na lang ulit ako kapag hindi na kayo magkasama
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
May lakad ka ba mamaya?
Sana madaanan mo 'ko pagkatapos
Sabihin mo ngayong ako'y makakaasang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan
Handang-handa pa rin naman ako mamaos
Makakaluwag ka man ay sa mas nakakalibang
Na paraan kita tutulungang makaraos
Bakit ka nagparamdam?
Siguro, 'di na kayo nilanggam
Ba't kaya 'di n'ya alam
Ang 'yong halaga, kung ga'no ka kalinamnam?
Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata
Ang hirap nang magpabaya
Kapag tawag na ng laman ay nagbadya
Makipaglangit-lupa nang walang taya
Mata sa mata, bibig sa bibig
Mga ingay na tayo lang dalawa'ng nakadinig
Nakatawang umidlip sa kama
Pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga?
Andiyan ka na naman (oh)
Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan?
Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag?
Nadarang na naman sa 'yong apoy (nadarang, nadarang, nadarang, nadarang)
Handang masaktan kung kinakailangan
Whoa, ooh-whoa
Hey, hey, hey, hey, hey

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители