Palamara, palamara ang bansag sa kanila Nagbabalat-kayo upang hilahin ka pababa Palamara, palamara ingat ka sa kanila Sa sulok nagtatago, hinihintay bumagsak ka Suot ay maputi, pero itim ang budhi Sa loob ay may poot, sa labas nakangiti 'Di pari, 'di hari, nagdadamit ng sari-sari Magiliw sa marami, matakaw sa papuri Isang hunyangong, mahusay na magbago ng anyo Pinakain mo sa palad ngunit nilamon nang buo Para bang sa ahas ako ay nakikipaglaro Mag-ingat ka sa gaya nilang Palamara, palamara ang bansag sa kanila Nagbabalat-kayo upang hilahin ka pababa Palamara, palamara ingat ka sa kanila Sa sulok nagtatago, hinihintay bumagsak ka 'Di tayo aahon kung may utak talangka Kahit pilitin na bumangon sa 'yong pagkadapa Mga paa ay hihilahin ng mga nasa ibaba Pagka't kabiguan mo ang kanilang ligaya Isang hunyangong, mahusay na magbago ng anyo Pinakain mo sa palad ngunit nilamon nang buo Para bang sa ahas ako ay nakikipaglaro Mag-ingat ka sa gaya nilang Dalawang batong itim malayo ang nararating Inaabangan nila ang pagdaan mo sa dilim 'Wag masyado pakampante, huminga ka ng malalim Kahit tumakbo ka sa malayo, susundan ka ng tingin Kamay na may lagim, paa'y hahablutin Tutulak sa bangin Sila'y mga praning Mag-ingat ka Kunwari'y ihahahgis ka nila pataas Upang bumagsak kang puro gasgas Mga pekeng pagkatao na may tinatago Mas matindi pa nga ang baho 'Wag kang maniniwala sa kanilang pinapakita Hindi totoo ang kanilang pagsuporta 'Wag na 'wag kang maniniwala sa bait na pinapakita Bato-bato sa langit ang tamaan palamara ♪ Isang hunyangong, mahusay na magbago ng anyo Pinakain mo sa palad ngunit nilamon kang buo Para bang sa ahas ako ay nakikipaglaro Mag-ingat ka sa gaya nilang Palamara, palamara ang bansag sa kanila Nagbabalat-kayo upang hilahin ka pababa Palamara, palamara ingat ka sa kanila Sa sulok nagtatago, hinihintay bumagsak ka Sa sulok nagtatago, hinihintay bumagsak ka Sa sulok nagtatago, hinihintay bumagsak ka