Diko alam kung pano ko sisimulan, Basta't alam ko lang ay nais kong masabi Ang nilalaman ng damdamin ko na hindi magawang masabi. Habang ang mga problema ay dumadami ng dumadami, Di na mabilang sa daliri, patuloy na naghahari Ang mga, galit sa isa't isa'y namumutawi sa bibig. Kung kaya tayo'y di na makapag-pigil Pero sawa na ako dun oras na para magtigil Tayo sa mga maling gawain alam mong nakakasira Tama na tapos na nga wag na sanang humaba Ang mga sinasabi mo at ang mga sinasabi ko Gusto ko lang manahimik at ibalik ang dating lambing mo At mga tawanan at harutan nating dalawa Na tayo ay walang iniisip basta't na alam mo na Na ako'y nandito lang at nandyaan ka din Dahil alam mong nakatuon na ang mga paningin ko sa iyo Di mawawala asahan mong ako'y nandito lang At kahit na ano mang pagsubok ay di kita bibitawan At panghawakan mo ang pag-ibig ko Dala ko sayo at akin ka lang Anu man ang mangyari asahan mo ng handa Ituon sa akin sarili at akuhin ang mali Mabigyan lang ng ngiti at masulit natin ang lilipas na sandali Ayoko na tama na nga wag ka ng magbunganga Sige na ako na ang mali at syang masama Basta't wag kalang lalayo ayoko ng mabigo Ayoko ng seryoso pero sa dulo ay laro Kaya muling ibalik natin ang mga tamis Na sa ating dalawa'y unti-unting naalis Ang mga inis at tampo'y sa huli nagiging galit Hindi mo na kailangan na tanungin pa ako kung bakit Dahil alam ko nato ang puso ko na bato Dati ring nasakatan ngunit umibig ulit sayo Kaya sana'y pag-ingatan wag mo na sana sugatan Ang papel ng mga basta'y ayaw ko ng sulatan Muli akong iibig na walang anumang ligalig Dahil sa alam ko na ikaw ang babae na sakin ibinigay Ng maykapal at tangi kong mahal Pwede bang bati na tayo Wag kang mawawala sa piling ko Sa piling ko Sa piling ko... Sa piling ko. Sa piling ko...