Kung nagsasayaw si Neneng at ako'y walang pagod Ang kanyang magagandang paa na sa hakbang ko'y sumusunod Ngunit 'di alam ni Neneng na ako ay naghihirap Dahil sa pag-ibig at tunay na paglinga Ang mga dalaga kung pista sa baryo Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandanggo Ang pandanggo ni Neneng ay mahirap na pumanaw Habang nasa nayon ang alit-it ng kawayan Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan ♪ Neneng ko, huwag limutin, tayo'y perlas ng silangan Dahil sa dilag mong pambihirang kayamanan Bukid ay dakila kaysa lungsod na mailaw Pandanggo'y sayaw ng kayumangging kaligatan ♪ Ang mga dalaga kung pista sa baryo Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandanggo Ang pandanggo ni Neneng ay mahirap na pumanaw Habang nasa nayon ang alit-it ng kawayan Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan Pandanggo'y sayaw ng kayumangging kaligatan