Kishore Kumar Hits

Nora Aunor - Binatang Makisig текст песни

Исполнитель: Nora Aunor

альбом: Mga Awiting Sariling Atin Vol. 2


Mayroong binatang sa aki'y lumigaw
Sa kisig niya ako ay nasilaw
Sa aming bahay kung siya'y dumalaw
Iba't-iba ang terno araw-araw
Nang malaunan ang aking puso
Sa panambitan niya'y isinuko
At sa tamis ng kanyang pangako
Tila ako'y di na masisiphayo
May anim na buwan na ngayon ang lumipas
Ni anino ng nobyo ko'y di mamalas
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa irog ko
Wag namang itulot na siya ay maglilo
Ngunit ng minsan kami'y nagkita
Ang kisig niya't ganda'y nawala na
Ibinalita ng aking irog
Pinapasukang laundry ay nasunog

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители