Umaga na naman Sikat ng araw Sa akin ay gumising Pabulong, panaghoy Ang hangin ng umaga Tinupad ang pangakong pag-asa Umaga na naman Handa na ba ako Baka muling mabigo Sa araw araw Ako'y maghihintay Sakay lang ng sakay Sa gulong ng buhay Ngayon ako ay masaya Sikat niya'y mahiwaga Para bang hindi ko na hinahanap tuwina Ikaw ang sikat ng araw Sa akin ay pumupukaw Liwanag sa puso kong uhaw Darating ang gabi Ikaw ay katabi Ako'y nasasaktan kung ika'y lilisan Dumating man ang iyong Paglaho ng panahon Pagdating ng umaga'y muling babangon Ngayon ako ay masaya Sikat niya'y mahiwaga Para bang hindi ko na hinahanap tuwina Ikaw ang sikat ng araw Sa akin ay pumupukaw Liwanag sa puso kong uhaw Liwanag sa puso kong uhaw