'To na ang simula ng aking pangarap Aking bibig ay hindi na mangangalay sa pagrarap 'Yoko na rin mag-panggap 'Yoko na rin makipaglokohan 'dun sa nasa harap ng salamin Siya ang tanging kasangga Di mo pu-pwedeng sabihin na di ito para sakin Musika lamang dahilan kung ba't nagpatuloy pa rin 'To lang ang aking kailangan bukod sa lapis at papel Bibig ko mag-mimistulang baril, Humanda na 'to nang pagkalabit Bang! Akin nang napihit 'tong gatilyo Wag nang magtangkang hanapin yung dating ako Di ka papalarin kahit pa anino Takot na lumamon saking pagkatao ay imbalido At dang balasik ko, harang ay sino 'To ay sugal parang nag-casino Di man tanghaling pinakamagaling Palag-palag pa rin kahit na kanino Dami ng gustong sabihin Tagal ng panahong nabitin Dami ng tulang nakasilid saking utak Teka, bakit parang may mali Mga bara na nayari, di ko namalayan na naging rehas Na hinihimas ng aking sarili Patindi ng patindi populasyon ng talata saking isip Na mahilig mag-gala parang may binti Tumutungo lagi sa lugar na madilim Pero natutunan ko na kung pano mag-pigil Paminsan na rin akong naging makitid Gayunpaman walang bisa ang mag-sisi Naging mulat, di na makatulog kahit pa na hindi naman naka-sindi Apoy lalabas sa bibig, nag-iinit Para nang dragong nagising sa paghilik Ika'y gumilid at makinig nang marinig Ang mahigpit na pag-pitik ko sa beat, Medyo mahilig 'to sa pilsen Di namumutla pero nawaring may sakit din Kada bitiw sinisisiw Panaginip darating din ito sakin yeah Sabi ko naman sayo diba Di ako isa sa mga nila-lang nila Mga kaisipan ata'y natanikala Sa ating mundong malawak ay inakala Kalayaan nandyan, isa 'yang himala Kamalayan saan nga ba 'to idinala Di tayo magkapareho ng karera Kaya takbo ng utak ko'y iba Baliwalain mga walang bilib Ang nagtiwala sakin, ako lang Babaliktarin direksyon ng agwaheng Madalas ay nakasalungat Lalakbayin dagat gamit ang bangkang walang laman, sarili lang Upang hanapin ang nawawalang kaluluwang naiwanan na sa nakaraan Tuloy-tuloy lang, walang atrasan kahit empleyado pa kinabukasan Walang palusot at dahilan hanggang sa ito nang pagkakitaan Walang makitang rason para ayawan kinahiligan Di to hibang, baliw lang kapag mikropono ang nahawakan Hindi man mapalad, di ko pa rin kayang mabitawan Kay laking ambiyson na hinahangad