Andami na namang gumugulo sa isip ko Ba't ba ganito 'di na naman malaan Kung sa'n magtutungo, nakakalito, oh Pipiliin ba kung ano ang aking gusto Susundan ko ba ang aking puso O ang utak kong mahilig lang magmarunong? Lagi na lang may bumubulong Na diyan ka na lang sa dilim Yakapin mo nang mahigpit Dito mo mahahanap ang 'yong sarili At hindi sa pagngiti, 'di ako nito pinilit Pero ako ay mas kumalma at napaisip Dito rin naman ako lumaki Dito na lang din ako hanggang sa huli, yeah Alas dos na naman ng umaga, umaga Ang utak ko'y nasa malayo na, layo na Alas dos na naman ng umaga, umaga Nag-aantay sa pagtila ng ulan Andami na namang gumugulo sa isip ko Ang hirap ng gan'to, oh Tutuloy ko ba itong mga pangarap ko At aking mga pangako, oh Sa sarili kong ayaw na ring bumangon Mula pa sa kahapon, ang mga tanong sa isip ko Na siyang gumagabay patungo sa pagkalungkot At dito na lang sa dilim Yayakapin ko nang mahigpit Dito ko mahahanap aking sarili At hindi sa pagngiti, 'di ako nito pinilit Pero ako ay mas kumalma at napaisip Dito rin naman ako lumaki Dito na lang din ako hanggang sa huli, yeah Alas dos na naman ng umaga, umaga Ang utak ko'y nasa malayo na, layo na Alas dos na naman ng umaga, umaga Nag-aantay sa pagtila ng ulan Lahat ng 'to'y nung panahong ako'y nababalisa Madalas mapalayong takbo ng utak 'pag mag-isa Kinakausap ang sarili, ano ba talaga? Hahayaan ba natin magharing negatibong enerhiya Subukan mong palitan mga ilaw napundi na Buksan mga kurtina ng makita ang liwanag Masakit man sa'ting mata'y 'wag mag-alinlangan Dahil mga nangyayari ay iyong kagagawan Walang mangyayari kung makipagturuan Salubungin ang kinabukasan, dumi ay hugasan Bawat patibong ay lampasan at gawin mo ang mga bagay Na ayon sa'yong kagustuhan, hindi sila ang may karapatan Kwento ng buhay mo'y na sa'yong kasulatan Hmm, yeah, aye, yeah, wala nang iba Wala nang iba, wala nang iba Kaya ang ihayag mong istorya Ay 'yung meron kang pagkakatuwaan Lagi mong pagkakatandaan Kwento ng buhay mo'y na sa'yong kasulatan