Ito'y isang babala Aking isipang mahahalintulad sa isang lugar Kung saan may karumal-dumal na krimen, at ang kriminal Walang iba kundi ako rin, 'di mo pupwedeng tingnan Hindi pupwedeng pasukin 'pagkat walang pinagkakatiwalaan na sinuman Kaya alis na sa aking harapan, 'wag na 'wag mo 'ko papakitaan Ng ilusyon mo't kapekean kahit na parehong gumagawa Ng talatang palaban ang nilalaman naman ng aking kasulatan Malaking kaibahan, bawat salita'y siguradong makabuluhan lang Nilalayuan mga mapagpanggap Sapagkat nababasa ng mga tunay ang karakas nila Rumaragasang mga tula na ginawa 'Pag tinamaan, malala, paralisa, parang napana ni Mirana Ubod ng metikuloso, 'di nagpapaloko Natutunan ko na 'to no'ng ako pa'y nakikisosyo Sinosolo ang delubyo, 'di kailangan sumaklolo Para lampasan pagsubok, panahon na ang sumubok Ako'ng nagsilbi na guro, 'di kailangang nagtuturo Lalong-lalo na siguro 'pag 'yung taong bumubulong 'Di alam ang puno't dulo't makinig ay 'di marunong Aking dugo'y kumukulo, kuko ko'y nakabaon na sa bungo 'La 'kong susundang ano mang yapak Sa bawat pagtapak sa mundong malawak Sariling daan, aking tinatahak Dugo ma'y dumanak, luha ma'y pumatak 'Pagkat mga balak ay nakatatak sa 'king utak 'To'y magtatatalak, walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat Whoa, yah Walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat Walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat 'Di ako si "J" na mayro'ng HESOYAM 'Di porke't nagra-rap, ako'y mag-aastang Pinakamalakas, tulad mo, tao lang Subukan mong basagin, 'di tatakbuhan 'Wag mo 'kong lalapitan, 'di magkaibigan 'Di 'to kapatiran, 'yoko mabahiran Ang katahimikan, ang kinakailangan 'Yoko ng alitan, 'yoko ng alitan Dahil abala na 'ko sa pinakamatinding away Labanan ng mga boses sa bumbunan ko'y walang humpay 'Wag ka nang sumabay, lumubay Wala sa bokabularyo nila hanggang magtagumpay Magdamagang tambay Magdamag nagbabangayan, kung ayaw mong madamay Nararapat lang na ako ay lubayan Habang maaga pa kung ayaw mong makatay 'Di 'to matadero, baka mapagkamalan na isa Dahil nakakahiwa ang limang nasa dila 'Wag na 'wag kang mag-aasta sa akin ng kahayupan Talagang malalagutan ka na ng hininga 'Di nababahala kahit pa walang tumulong 'Di kailangan ng katropang puro angas lang ang punto Para sa'n pa ang lupit kung pilit lang, hindi totoo? Pipiliin ko na lamang mag-isa na parang lobo Kaysa sa makiisa sa mga tulad niyong pabibo Tinuturing teritoryo itong musikang ganito Kailan pa naging sa inyo ito para sugapain O hamakin ang sumubok nitong sining na kahit kanino? 'La 'kong susundang ano mang yapak Sa bawat pagtapak sa mundong malawak Sariling daan, aking tinatahak Dugo ma'y dumanak, luha ma'y pumatak 'Pagkat mga balak ay nakatatak sa 'king utak 'To'y magtatatalak, walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat Whoa, yah Walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat Walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat 'Di ko alam kung ano'ng aking ginagawa 'Di ko alam kung ito nga ba ay tama Sa sarili kong mundo, ako'y nawawala Ako'y layuan, ako'y layuan 'La 'kong susundang ano mang yapak Sa bawat pagtapak sa mundong malawak Sariling daan, aking tinatahak Dugo ma'y dumanak, luha ma'y pumatak 'Pagkat mga balak ay nakatatak sa 'king utak 'To'y magtatatalak, walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat Whoa, yah Walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat Walang paki kahit bakat ugat Lumayas ka na sa 'king parisukat