Tatlong oras ka nang naghihintay Natutuyot na sa mahabang pila Ang 'yong buhok parang hindi sinuklay Dahil ang init na, dahil ang init na Sa kakamadali nalimutan mong magalmusal Ang tiyan mo at dugo'y kumukulo na Tapos may darating, ay grabe, ang kapal Hala sisingit yarn, hala sisingit yarn Hinga ka muna ng tatlo hanggang lima Relax ka lang at ipikit ang 'yong mata 'Wag makulit at 'wag munang magsusungit Isayaw ng malupit, chara Ang aga mong gumising kahit puyat Para umabot lang sa inyong usapan Andiyan ka na, nandiyan na rin siya dapat Luh luh, tulog pa siya, luh luh, tulog pa siya Hinga ka muna ng tatlo hanggang lima Relax ka lang at ipikit ang 'yong mata 'Wag makulit at 'wag munang magsusungit Isayaw ng malupit, chara Matuto tayong magpahalaga Hindi mo hawak ang oras niya baby 'Di mo alam ang dinaranas niya Kaya mahal, pwede bang umayos ka Hinga ka muna ng tatlo hanggang lima Relax ka lang at ipikit ang 'yong mata 'Wag makulit at 'wag munang magsusungit Isayaw ng malupit, chara