Patayin na natin ang ilaw Simulan na natin ang kuwentuhan Ating lasapin ang lamig ng gabi At anong tamis na lambingan Hawakan mo na ang aking kamay Ikaw lang ang aking buhay (aking mahal) Damhin na natin ang pagmamahal Na sana'y 'yong pagkaingatan Ah, ah, ano ba 'yan? Mga bulong na mainit sa aking pisngi Ah, ah, huwag mong susugatan Ang puso kong nagmamahal Sana'y huwag nang matapos mga sandali Na ating pinagsasaluhan Sana'y huwag nang maubos mga oras natin Habang tayong dal'wa ay magkayakap pa Halina, oh, aking mahal At huwag mo akong iiwan (lumapit ka) At kahit hanggang umaga pa Ang nais ko'y lagi kang kasama Ah, ah, ano ba 'yan? Kay sarap dumampi ng iyong mga labi Ah, ah, huwag mong pahirapan Puso kong nagmamahal Sana'y huwag nang matapos mga sandali Na ating pinagsasaluhan Sana'y huwag nang maubos mga oras natin Habang tayong dal'wa ay magkayakap pa Sana'y huwag nang matapos mga sandali Na ating pinagsasaluhan Sana'y huwag nang maubos mga oras natin Habang tayong dal'wa (magkayakap pa) Sana'y huwag nang matapos mga sandali Na ating pinagsasaluhan Sana'y huwag nang maubos mga oras natin Habang tayong dal'wa ay magkayakap pa Oh Hey, hey Oh