Nag-iisa habang tugtog ko ang gitara Sumasabay sa himig ng musika Nakadungaw sa aking bintana Habang nakatingin sa buwan at tala Init ng gabi, oh, ating damhin, baby Ibang-iba kasi 'pag ikaw ang katabi Ang 'yong halik at yakap na laging hanap sa tuwing nalulumbay Ang tangi kong pangarap ay makasama ka sa habang-buhay Halika na (halika na), sumama ka (sumama ka) Umalis tayo sa mundong nakakapagod na At hawakan ang aking kamay, sabay na maglalakbay Ikaw ang susi sa aking pintuan ♪ Ang 'yong larawan, laging nais masilayan Kahit na malayo, 'di ka papalitan Huwag mo 'kong subukan dahil 'di ka susukuan Sa bawat pag-alis, ikaw ang babalikan Ang tanging hiling, ika'y manatili sa 'kin Lahat ay gagawin, kahit ang buwan susungkitin Ang 'yong halik at yakap ang laging hanap sa tuwing nalulumbay Ang tangi kong pangarap ay makasama ka sa habang-buhay Halika na (halika na), sumama ka (sumama ka) Umalis tayo sa mundong nakakapagod na At hawakan ang aking kamay, sabay na maglalakbay Ikaw ang ilaw sa aking dilim ♪ Sa bawat ulan, ikaw ang sisilungan Sa bawat ngiti, ikaw ang laging dahilan Sa'n man tayo dalhin ng tadhana (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga) Sa timog man o hilaga (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga) Ikaw ang pipiliin 'Pagkat ako'y iyong alipin (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga) Ako'y iyong alipin (sa'n man tayo dalhin ng tadhana, sa timog man o sa hilaga) Halika na, sumama ka Umalis tayo sa mundong nakakapagod na