Ang liwanag ng araw ay tanaw sa bintana ng silid Ang tagsibol ay malapit na'ng hangganan Makikita na nakauniporme habang nasa klase ang lahat Mukhang handa na sa hamon ng buhay Kanya-kanyang kinabukasan Tatahakin ng bawat isa Pakpak ng pangarap natin Nagsimula nang bumuka Tuwing ang talulot ng Sakura ay sumisibol Sa paligid ay dinig mo ang kampana ng pag-asa Bigay sa atin ay tapang at kalayaang Mamili ng pupuntahan Tuwing ang talulot ng Sakura ay sumisibol Sa paligid, may nananalanging kayanin niya sana Pagsubok na dulot ng bagong mundo Pintuang bubuksan na pinili ko ♪ Ang awayan sa telepono ay sa iyakan nagwakas Naaalala at hinahanap-hanap Magkasamang naranasan, kalungkutan at ang saya Kahit na kailan, 'di naiwang mag-isa Nakangiti sa'king larawang Pagtatapos ng pag-aaral Pagpalit ng panahon Hudyat na rin ng sayonara Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos Sa asul na langit, habang nakatingin Humihinga ng malalim Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog Mga alaala na kay ganda, pumapaimbulog Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay Mga kamay, sabay-sabay nating 'wagayway ♪ Tuwing ang talulot ng Sakura ay sumisibol Sa paligid ay dinig mo ang kampana ng pag-asa Bigay sa atin ay tapang at kalayaang Mamili ng pupuntahan Tuwing ang talulot ng Sakura ay sumisibol Sa paligid, may nananalanging kayanin niya sana Pagsubok na dulot ng bagong mundo Pintuang bubuksan na pinili ko
Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos Sa asul na langit, habang nakatingin Humihinga ng malalim Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog Mga alaala na kay ganda, pumapaimbulog Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay Mga kamay, sabay-sabay nating 'wagayway