Kaysa magmukmok sa sulok nang mag-isa Umiyak ka sa gitna ng mga tao Dahil sa luha, malabo ang paningin Mabait sa iyo, ingay ng mundo Naramdaman ko na tayo ay maghihiwalay Pero bakit ramdam pa din sakit na taglay? Minahal naman kita, 'di ba? 'Di ko tinanggap ang pag-ibig mo, feel low Kahit magpanggap, kita naman ang totoo Tinatagong boses ay lumabas "Love you" Masaktan man ako ng ilang beses, magiging matatag pa rin (uh) Bago ang takip-silim maging ganap na gabi Naramdamang lungkot ay iwan muna sa tabi Kahit na ang tahakin ay mahaba pa, ayos lang Baka maganda at masaya din naman bukas ♪ Nakakalungkot isipin ang kahapon Mas mabuti pang sa harap ka lumingon Kahit mabura pa ang mga yapak mo Anino ng pagsisisi, 'di mawala Sa napanood kong French na pelikula 'Di ko malimutan ang sinabi nila "Sa saktong paglubog ng araw" "Sa huling sandali, may berdeng ilaw na lilitaw" At kapag nakita mo ito ay sasaya ka Ang ganda 'di ba? "Paalam na, miss you" Masakit pero sana makitang nakatingin ka sa langit Bago ang takip-silim maging ganap na gabi Pag-iisipan kong muli ang mga nangyari Pipiliin ko na lang kung ano ang dadalhin bukas At sa pag-uwi, mas dahan-dahang maglakad ♪ Ang pagbuhos ng luha ay nakakabuti Natatanggal sa puso ang mga sakit Kaya nitong tanggalin ang virus ng pag-ibig Na sanhi ng masamang pakiramdam Ang ilang beses kang masaktan Ay ilang beses ding may bagong makikilala Kaya 'wag magpatalo sa takot, just get stronger Bago ang takip-silim maging ganap na gabi Naramdamang lungkot ay iwan muna sa tabi Kahit na ang tahakin ay mahaba pa, ayos lang Baka maganda at masaya din naman bukas Kung ako ay magiging mas matatag pa Siguradong mapapansin mo 'yon Makikita mo pati ang ligaya ko Green flash