Kishore Kumar Hits

Jesuit Music Ministry - Himig Heswita Medley: Sayo Lamang / Tanging Yaman / Awit Ng Paghahangad / Panunumpa текст песни

Исполнитель: Jesuit Music Ministry

альбом: Beloved: A Journey of Love


Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luho't karangalan
Kung ika'y mapa sakin
Lahat na nga ay kakamtin
Sa'yo lamang ang puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima aking sumpa
Ika'y hanap sa twina
Nitong pusong ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa'yo sinta
Ikaw ang aking tanging yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Nagagalak, na aawit ng papuring iaalay
Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagka't ang tulong mo sa twina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit, umaawit
Umaawit akong buong galak
Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo, magpakailanpaman
Yakapin mong bawat sandali
Ang buhay kong sumpa, sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa kin
Pagka't taglay lakas mong angkin
Ikaw ang siyang pag-ibig ko
Asahan mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko'y nalulumbay
Mananatiling ikaw pa rin
Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo, magpakailanpaman
Yakapin mong bawat sandali
Ang buhay kong sumpa, sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa kin
Pangakong walang hanggan
At mapapawi, ang takot sa kin
Pagka't taglay lakas mong angkin
Sa'yo lamang ang puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители