Minsan ang buhay ay isang awit ng galak, at mayroong liwanag na tatanglaw sa ating pagyapak. Minsan ang buhay ay isang awit ng luha, at siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga, At kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim May isang inang nagmamatyag, nagmamahal sa 'tin. Awit niya'y pag-ibig ng Diyos, tawag niya'y magbalik-loob, Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob. O Inang mahal narito kami awit awit ang Ave Maria At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit ng amang nagmamahal O inang mahal narito kami't awit awit ang Ave maria Sa anak mong si Jesus puso namin ay ihahandog Ang rosario mo't hawak namin at awit awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit'sa amang mapagmahal