Baguhin Mo ang sugatan kong katawan At hilumin nang Kita'y matagpuan Puso ma'y mapagod magmahal At mahapo man sa mahirap na daan Madapa man sa ating nilalakaran At mabigo man sa mga inaasam Alalahaning may Amang nagmamahal Siya'y kasagutan sa lahat ng agam-agam Atas Niya sati'y magpahayag Nang pag-ibig Niya'y mayakap ang tanan Baguhin Mo ang sugatan kong katawan At hilumin nang Kita'y matagpuan Diwa man namin ay namimitig Sa tuksong walang hanggang katunggali Masaktan man kaming muli't muli At pait siyang pumalit sa'ming ngiti Sasabay pa rin kami sa iyong kumpas At maglilingkod pa rin nang may galak Hahamakin ang maging ano pa man Nang mapag-isa ang siyang watak-watak Baguhin Mo ang sugatan kong katawan At hilumin nang Kita'y matagpuan Manghina man ang aming kalooban Walang titinag basta't ika'y nariyan Unos man ang hamak ng kasalukuyan Pag-ibig Mo'y pag-asa sa kinabukasan Sugatan man, kami ay tatalima Tatawirin kahit anong hadlang Loob Mo'y siyang aming ipamamalas Nang baguhin mo maging ang aming bayan Baguhin Mo ang sugatan kong katawan At hilumin nang Kita'y matagpuan