'Di ka na maihahatid sa pag-uwi 'Di na tulad ng dati na t'wing pagkatapos ng klase Unli lugaw muna bago tayo bumiyahe Iba na kasi ngayon, nagbago na ang panahon Sa kalsada, bawal na magpagabi 'Pag hinatid ka pa, baka hindi na ako makauwi 'Di na makauwi nang buhay ♪ Gabi na rin kasi kung matapos ang iyong klase 'Di rin malapit ang Sta. Mesa sa Cavite Kaya no choice ako kundi mauna sa pag-uwi Babawi na lang sa 'yo 'pag nagkita tayong muli Mahal kita Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang taenga Madaling mapagbintangan P'wedeng sabihing nanlaban ♪ Alam mo naman ang nilalaman ng balita Sabi ni Tatay, "Maraming biktima ng tamang hinala" Payo niya sa 'kin, kung maari, umuwi nang maaga Kahit hindi gumagamit, mukha raw akong nagdodroga Mahal kita Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang taenga Madaling mapagbintangan P'wedeng sabihing nanlaban ♪ Mahal kita Mahal ko din 'yung Nanay ko Mahal ko din 'yung Tatay ko 'Yung mga kapatid ko, ang babata pa no'n Biruin mo 'yun? hindi pa ako nakaka-graduate, papatayin na ako May mga kumakatok sa pintuan na hindi ko kilala Paano kung dalhin ako sa lugar na hindi ko alam? Sabihing may bitbit akong droga, hindi ko alam kung ilan Mahal kita, 'yan ang lagi mong tatandaan Mahal kita Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang taenga Madaling mapagbintangan P'wedeng sabihing Mahal kita Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang taenga Madaling mapagbintangan P'wedeng sabihing nanlaban