Kishore Kumar Hits

Luwi - Viaje текст песни

Исполнитель: Luwi

альбом: Viaje


Nandito lang sa duyan pero parang nasa ulap
Gustong mapag isa ayoko munang may kausap
Papikit na ang mata bumibigat pa yung talukap
Bago pa to mag sara gagalingan ko kada mulat
Kahit mabigat pursugidong binubuhat
Ilang araw pinupuyat mga bara sinusulat
Kakaibang saya alam ko ng walang katulad
Bawal ang pakupadkupad dapat laging tinutulak
Hanggang sa marating bahala na tadhana kung saan ako dalhin
Sa pangarap makalasa nais lang makatikim
Tinatago na sikreto baka pwedeng patingin
Masyadong madilim kaya kailangan ng liwanag
Iwasang may sumagi para hindi ka nababasag
Ibat ibang putahe sa lamesa ilalatag
Daming bumabagabag kaya hindi mapanatag ugh
Kulang man ang pamasahe pero tuloy lang ang byahe
Malabo na tumigil pa
Kahit na sobrang bigat ng mga dala dala ko na bagahe
Matibay lang matitira
Walang hihinto
Matatalo kung sino ang mainip
Oras mo'y ginto
Bumangon ka sa'king bibig ay makinig
Pinailaw yung pundido nang maliwanagan
Utak milyonaryo na pagibig lang ang yaman
Enerhiya maganda kaya ka papasahan
Daming utang sa taas kailangan nang bayaran
Kinontrol ang emosyon hindi nag padala
Nabasa na galawan hanggang sa makabisa
Dami pang gusto hindi makuhang sumaya
Nais mong manalo ayaw namang tumaya
Sumugal mala casino para sa papel
Kahit mag ka libo ay wala paring papel
Paikot ikot sa bilog na parang carousel
Mga balak tinuluyan paibang lebel na
Takas sa kadena dami pang supresa
Musika at pyesa sakto lang sa tema
Matunog sa tenga walang pake sa nega
Yoko na sa gera sabi ko ay yes I
Kulang man ang pamasahe pero tuloy lang ang byahe
Malabo na tumigil pa
Kahit na sobrang bigat ng mga dala dala ko na bagahe
Matibay lang matitira
Walang hihinto
Matatalo kung sino ang mainip
Oras mo'y ginto
Bumangon ka sa'king bibig ay makinig

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Rave

Исполнитель

Zo zo

Исполнитель

Colt

Исполнитель

Yzkk

Исполнитель

Lua$

Исполнитель

Soy

Исполнитель

KLYDE

Исполнитель