Kumusta na, Supremo? Maari ba kayong makausap? Kay rami mong dapat malaman Parang ang dami kong iuulat Buhay mo'y nais naming tularan Dahil idol ka namin Kaming nagsusumikap na diwa mo'y Patuloy na buhayin 'Pinaunawa mo sa amin Ang tunay na katapangan At ang paglaban sa mapang-api Ay tunay na kagitingan Matatag sa paninindigan At 'di uurong sa laban Lalo kung 'pinagtatanggol ay tama At ang katotohanan Itinuro mo sa amin ang Tunay na halaga Ng pag-ibig sa bayan Ano pa nga ba ang hihigit pa? Hangga't kami'y nabubuhay Ay gagawin naming panata Handa kaming lumaban Ipagtanggol, ating bansa Bonifacio Kung paano kayo pinagtaksilan Gano'n pa rin po hanggang ngayon Pinaghirapan ng bayan Sinisimot ng mga pinuno ng nasyon 'Di naman sa pagkukumpara Parang kasingganid po ng mga Mapang-api at dayuhang Nilalabanan n'yo noon Kung inyo pong mapapansin 'Di tapos ang inyong simulain Sa ating lipunan Kay rami-rami pang suliranin 'Wag po kayong malulungkot Kayo po ay napapakinggan Maraming nagpupunit ng sedula Tuloy-tuloy ang himagsikan Itinuro mo sa amin ang Tunay na halaga Ng pag-ibig sa bayan Ano pa nga ba ang hihigit pa? Hangga't kami'y nabubuhay Ay gagawin naming panata Handa kaming lumaban Ipagtanggol, ating bansa Bonifacio Bonifacio, whoa Bonifacio, whoa, whoa Bonifacio, whoa, whoa, whoa ♪ Bonifacio Bonifacio, whoa Bonifacio, whoa, whoa Bonifacio, whoa, whoa Bonifacio Bonifacio, whoa Bonifacio, whoa, whoa Bonifacio, whoa, whoa Mabuhay ang, mabuhay ang himagsikan